No public Twitter messages.
Twitter

Melai Cantiveros, Buntis!

Posted by Ogie September - 1 - 2013
Hindi pa makapaniwala ang iba.  Buntis nga ang 25-year old na si Melai Cantiveros courtesy of her boyfriend na si Jason Francisco.  Kung ilang buwan?  Ayon sa source ko,  mga 2 months na raw ito. courtesy: Google Images
       Ang sabi, made in Singapore nu’ng nagte-taping sila ng KrisTV.  Eh, di ba, favorite silang dalawa ni Kris Aquino?  Kaya ayun na nga,  nakabuo na rin sila, finally.
       Ang isa pang tsika ng aming source, nagde-date ang magdyowang JLC at Angelica Panganiban nu’ng tumawag si Melai para ibalita sa kanyang best friend na si Tweeny (si Angelica) na buntis siya.
       Na-shock si Angelica sa ibinalita ni Melai, dahil alam nitong breadwinner si Melai eto ngang buntis pa ay mapapahinga ito sa trabaho.  Dagdag pa dito ‘yung alam ng mga friends ni Melai na andami nang problemang personal si Jason, dahilan para mapahinga ang career nito.
       Pero wala naman daw magawa si Angel, naiintindihan naman nito si Melai, dahil mahal talaga ni Melai si Jason, eh. Pero ramdam din umano ni Melai ang malasakit at pagmamahal sa kanya ng best friend kumbakit nag-aalala lamang ito sa kanya, although happy na rin si Angel, dahil siguradong ninang ito ng baby.
       Samantala, ilang kaibigan din ni Melai ang nagwi-wish na sana’y magkaroon na ng direksiyon ang buhay ni Jason alang-alang sa mag-ina nito. Dahil kung matatandaan, kung ano-anong trouble na din ang pinasok  ni Jason na sa huli ay napapatawad at nauunawa ito ni Melai.
      Nariyang sa sobrang inlove ni Jason kay Melai ay minsan na ring naghiwa ng blade sa mukha at sa braso ‘yung lalake para lang patunayan na mahal nito si Melai at sobrang seloso daw ito. Weird man, pero gano’n daw magmahal si Jason habang feeling girl na girl naman si Melai. Hahaha!
     Minsang may isang Australyanong humanga kay Melai ay halos hamunin ito ni Jason.  (Ang love nga naman, ‘no?)
      Dumating pa nga sa point na maging si John Prats ay talikuran nitong sinapak sa mukha nu’ng rehearsal ng Banana Split sa Music Museum na aabot pa sana sa demandahan kung hindi pa nag-public apology si Jason na nagsabing nabigla lang siya, dahil feeling nito ay inookray sa umpukan ng magbabarkada ang girlfriend niya.
     Nawalan ng work si Jason, kaya ayon sa source, ‘yun din daw ang inaalala ni Angel, dahil si Melai lang ang kumakayod sa dalawa at heto’t ilang taping na rin ng “Banana Split”  hindi sumisipot si Melai, dahil na rin sa kundisyon ngayon ng nakakatawang komedyana.
     “Nu’ng Banana Split na lang ang show ni Melai dahil natapos na nga ang ‘Apoy Sa Dagat, umuupa yan dati sa isang condo yan. Pero siyempre, tipid-tipid si Melai, kaya ayun, bumalik na rin sa napanalunan niyang bahay nu’ng Pinoy Big Brother na sa Binangonan pa yata ‘yon o sa Valenzuela?
      “Saka nagli-live-in na sila, alam ko eh.  Ewan ko kung tutuparin ni Jason na mag-seaman na lang para makapagtrabaho, kung wala din naman siyang work sa ABS-CBN.
     “Basta sabi ni Melai, happy naman siya at hindi niya pinagsisisihan kung nabuntis man siya kahit pa nga siya din ang breadwinner ng family niya sa GenSan.
       “Kaso nga lang, paano makakapagtrabaho eh buntis nga?  Eh, di magagalaw na ‘yung ipon niya habang naghahanap na ng trabaho si Jason, di ba?” sey pa ng friend ni Melai.
       Sa mga tweets na natatanggap namin ay haping-happy naman ang followers ng tambalang Melason sa balitang ito.  Matutupad na rin daw ang dummy baby nila noon sa loob ng bahay ni Kuya na tinawag nilang “Dengue.”
        “Matutuwa ka na rin dito kay Melai, kasi, sobrang mahal niya talaga si Jason.  Kahit pa ‘negative’ ang dating ni Jason sa mga kaibigan nila ay sasalagin naman ito ni Melai ng, ‘Uy, ah, ‘wag naman. Mahal ko naman yung lalaking ‘yon.  Hayaan n’yo na, happy naman ako!’
      “At kahit ngayong buntis siya,  ‘yun ang pakiusap niya, ‘Kung mahal n’yo ako, maging happy na lang kayo for me, please?’”
        Puro galing ang impormasyon sa ilang nakausap naming kaibigan at wala pang kumpirmasyon mismo kay Melai o kay Jason sa “bagong balita” tungkol sa kanila.
       Feeling ko naman, hindi nawawalan ng pag-asa si Melai na mababago pa ni Jason ang sarili, lalo na ngayong magkakaanak na sila.  At ito rin ang “challenge” kay Jason para patunayan nito sa kanilang mga kaibigan (na sumama ang loob sa kanya) na kaya pa rin niyang bumangon, makabawi at magbago para sa kanilang anak.
       At wish ko lang, kunin akong ninong.  Hahahaha!

9 Responses so far.

  1. elsa says:

    i’m so happy for melai and jason. sana ako rin maka tagpo ako nang lalaking walang sabit at pued akong pakasalan. at sana lahat nang artista maging totoo sa sarili hindi puro deny ng deny kahit obvious.

  2. leleth says:

    I’m so happy for Melai and Jason… CONGRATIOLATION At least si Melai pananaotan at nakatagpo nang lalaking walang sabit hindi katulad nang iba diyan mga mestisa at maganda nga pero ang lovelife ewan. Kahit hindi na kayo mag showbiz maraming pa in magdadasal para sa inyo. Anyway, maka survive pa rin kayo mag showbiz man o hindi.

  3. Lyn says:

    Ok n yan – dyan din naman sila mauuwi..
    Kung maglingkisan nga sa krisTV obvious n ayaw nang maghiwalay ; nakikita pa nga ng mga anak ni kris d b?
    Good luck. Sana makamukha ni jason at personality ni melai. :)

  4. macarolyn says:

    Yes! buti naman at magkakababy na talaga sila sobrang saya ng MELASON!!!! im sure si Jason mas magiging responsible na sya dahil si Baby Dengue totoo na..

  5. Faith says:

    Congrats Melai! let’s all be thankful kac blessing ang mga babies kaht sabihin mang wrong timing dahil sa career ni Melai eh pagpapasalamatan pa rn =) Maganda nga yan ung iba nga tumanda na sa kakahintay ng anak di bah. Hindi natin sila masisisi kng nagmamahalan mn sila yan ang patunay jan!

  6. gossipgirl says:

    who are the other pinoy big brother contestants who got pregnant? thanks!

  7. Leizel says:

    Atleast, pananagutan naman siguro ni Jayson si Melai. Sa PBB sila nagumpisa, doon natin nakita na sincere sila sa isat isa. Hindi gaya ng ibang galing ng PBB, palabas lng ang pagkakamabutihan kuno dahil hindi naman nagtatagal lalo na nung nakalabas na sila. Congrats to both of them!

  8. yen says:

    congrats to Melai…. I hope she also be successful for another step in her life… I hope jason will be a good partner to Melai… I

  9. reinah says:

    Im soooo happy for them…:) another story of True Love


OA ang ibang netizen

 from vilmasantos-recto.com           Dahil lang sa "TRUELY" ...

Bday ngayon ni Rico

Dinukot ko lang ito sa aking blogspot.  Tamang-tama, birthday ngayon ...

Cristine Reyes, papa

  Mahigit dalawang taon pa bago ang eleksiyon, pero ngayon pa ...

Cong. Lino, ikakasal

Wala nang mahabaang ligawan. After 3 months of having a ...